 |
|
|
 |
|
Baradong utak o Mental Block sa wikang ingles; yan ang aking nararanasan sa tuwing nakatitig ako sa "POSTING" screen ng aking blog. Bakit kaya sa tuwing ako'y di nagbblog ay ang raming ideyang lumalabas sa utak ko samantalang pag magppost na ko ay nalilimutan ko lahat? Short-Term Memory Gap nga ba ito? O sadyang makakalimutin lang ako?? O_o..
Ahh! Nakalimutan ko nga pala ikuwento sa inyo ang nangyari sa University of the Philippines College Admission Test na tnry ko. Ito ay naganap noong ika-2 ng Agosto, 2008, sa saktong 6:30 ng umaga. 4:00 am pa lang ay nagising na ko nung araw na iyon! Aba! Sobrang excited ang lola nuh! Ahaha! So yun nga, umuulan pa talaga! Totoo ata yung urban legend na sa tuwing magaganap ang UPCAt ay umuulan..
So ayun! Nag almusal ako ng sinangag at beancurd siomai na lasang panis... Ang gandang panimula ng umaga! Tapos, naligo sa tubig na mala-yelo sa lamig! WOW!! sobrang relaxing talaga!!
Matapos kong makapaghanda ay humayo na kami ng aking ama at ina. Nag-drive ang ina ko sapagkat di marunong mag-drive ng automatic na sasakyan ang aking ama. Sinimulan nanaman ng ama ko na mag sermon sa mama ko sa sasakyan. Sabi niya ang malayo daw ang inikutan namin! Kung dun daw kami dun sa ewan ko dumaan eh mas mabilis. Ewan ko sa kanya! Basta ang alam ko ay nakadating kassmi sa UP Diliman ng tama sa oras. Aba! Ang haba ng trapik!! What the Tetra PACK!! Kala ko talaga eh malalate ako! Not to mention, ihing-ihi na talaga ako! As in.. GRRR!!
Sa awa ng Diyos! Nakaabot ako sa LAW CENTER- BOCOBO HALL ng UP Diliman. Ang haba ng pila! Pinaalala sa akin ng mama ko na bumili ng tubig eh.. wala akong makita eh. T__T! Memeory gap talaga nuh!
Pero pumasok pa rin ako! Sapagkat lalabas na ata ang tubig sa aking katawan. Nakahihiya mang magtanong kung saan ang cr pero nagtanong pa rin ako. Matapos ko mailabas ang tubig ay pumila na ko agad. Tapos nakaramdam ako ng uhaw! SHEETTT!! Inaasar ata talaga ako ng m undo ng araw na iyon.
So iyon, pinapila muna kami at pinaupo. Ang aking utak ay nasa isang galong tubig na dala dala ng aking katabi na alam kong di ko maiinom habang buhay... SHEETT!! Uhaw na uhaw na talaga ako!!
Pero kahit nauuhaw man ay nag test pa din ako. NAWINDANG AKO SA MATHH!!! Puro Geometry! My Ghhaddd! Di ako nag0aral ng geometry! Actually, di naman talaga ako nag review eh, PERO KAHIT NA!! Shhiiittttaaakkkkeeee mushhhrrroooommmm!!!!!
Pero sa awa ng Diyos, natapos ko lahat. May mga laktaw nga lang pero at least natapos ko di ba! Pero 99.99999999999999999% SURE AKO na babagsak me. Yung 0.00000000000000001 ay papasa pero di pasok sa QUOTA! Yeahh! Ganyan ako ka sure! Ahaha!
So yun, uwian na. Pinalabas na kami. Umuulan pa rin. My goshh.. wala ang mama ko! Akala ko ba susunduin niya ko??!! Wala akong peraa!! At walang signal yung SUN! WAHHH!! Di ko alam kung paano ako uuwi.. T__T!!
So yun, sa sobrang kawindangan ay nagpaulan ako kahit na may hood ang jacket ko.. Ewan ko ba! Nababaliw na ko nun! Naisip ko na nga na manghingi nang tigpi-piso sa mga tao dun para sa pamasahe!
Hayz.. nakaka asar pa lalu ung nag-uusap sa likod ko! Ganito ang usapan nila!
Boy: You know, my mother is going to camarines suuurrrrr (As in ang pronounciation niya ay Suerrrrrr)!
Girl: Oh really! That's nice, did you have any difficulty in the test? I really found it difficult in the LANGUAGE PROFFICIENCY!! (HUH??! WTF?? Eh ingles ka ng ingles tapos language proficiency??!!)
Aba aba aba! Parang gusto ko hampasin ng bag ko yung mga yun. Pero nagtimpi ako.. 3 sila eh.. baka bugbugin ako.
So yun.. sinuwerte! Nakita ko ang aking ina! Weeee!! Akala ko maglalakad talaga ako mula Quezon City hanggang Makati eh. Weeee!!
Pag-uwi ko.. Natulog ako. Tinulog ko na lang ang aking kawindangan. Baka lumala pa eh.
Tinatamad ako gumawa ng Introduction para sa Thesis namin! Hayz! Di ko gagawin. Tinatamad ako. Sige, hanggang dito na lang muna. ^-^
RuanneChi |
|
RuanneChi ♥ 8:17 PM |
|
0
|
|
 |
|