|
|
|
|
Symbianize: Home is Just a Click Away! |
Thursday, September 25, 2008 |
|
Marami sa ating mga Pinoy ang wala sa ating mga tahanan. Malalayo sa ating mga pamilya. Na-mimiss ang mga kamag-anak, pamilya, kapitbahay, pati na rin ang asong laging dumudumi sa harap ng bahay nyo tuwing umaga. Namimiss ang maaliwalas na pakiramdam ng mainit na kape at pandesal sa umaga. Namimiss ang mumurahing spaghetti na gawa ng kalapit na tindahan. At SOBRANG namimiss ang maagang hiyawan ng mga kapitbahay na nagpapatayan. Ilan lang ang mga ito sa mga nakakamiss sa Pilipinas(bagama't di pa ko nakakaalis ng Pilipinas dahil isa lamang akong hamak na 15 taong gulang na babae, sigurado ko na mararamdaman ko to.); di rin mapigilan na maisip, "Sana, kasama ko mga kababayan ko... T__T!!".
Sa panahon ngayon, madali na nating nakakausap ang ating mga pamilya saan man ikaw sa mundo. kahit na bang sabihin mo ay nasa Antartica ka eh, merun dun signal ng WiFi... Ata. Wag mo lang asahan na merung signal ng mobile phone, Aba! Ewan ko na lang kung makasagap ka pa ng signal dun..
Pero kung ikaw naman ay yung tipong adik at halos walang kausap sa mundo kungdi ang computer mo, di na tumatayo at minsan na lang naliligo dahil sa kakasurf ng internet para sa mga impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay tulad ng java, uiq, applications, games, themes, wallpapers, mp3, videos, e-books, at minsan ay mga simpleng jokes, aba! Nakahanap na ko ng perfect site para sa iyo.
Hindi ko sinasabi na ang site na ito ay para lamang sa mga adik, kung iyon ang iyong inisip edi.. NAGKAKAMALI ka! Kahit ang mga taong may social life, love life, real life, comic life, secret life, at double identity ay pwede dito! Mapa-girl, boy, bakla, tomboy, butiki, o baboy ka man ay WELCOME ka dito! Isa nga lang ang requirement, ka dapat.
Hindi na kita bibitinin sa kakadadak dito dahil aking napagtanto na pinoy ka nga kung nagbabasa ka nito, maliban na lang kung isa kang banyaga na marunong magtagalog. Ang site na ito ay walang iba kungdi...
Oo! Ang matagal ko ng kinaaadikan na website, ang SYMBIANIZE!
Matagal-tagal na din akong miyembro ng forum na ito. Natatandaan ko pa kung paano ako napadpad sa website na ito. Gusto mo ikwento ko?? Kung ayaw mo, wala kang magagawa, gusto ko ikuwento eh. Nung araw na iyon ay nagsesearch ako ng mga jokes. Wala lang, sad kasi ako nun, in between kasi yun nung time na gumuho love-life ko; kaya yun, nagpakaloka ako at nagsearch ng mga jokes. Then, nagulat ako kasi nandito na ko sa isang filipino forum. Amazed ako! Kasi parang.."wow! Kaya pala rin gawin ng pinoy to...(mangmang pa ko ng mga panahon na iyon.. pasensya na. XD)". Agad agad kong binuksan yung jokes section, halos maihi ako sa kakatawa! Siguro, dun ako na in-love sa symbianize. Nung moments na yun, kasi parang napawi yung sadness ko. Ahaha! Wow, drama! Hehe, sino naglipat ng channel???
Anyways, aaminin ko, di ako masyadong madaldal sa chatbox, nakakahiya kasi. Pero! Elibs ako sa chatbox ha, di ko na kelangan refresh page ko. Sabi dito na AJAX technology daw yun. Anu kaya yun? Yung panghugas? O.o..
Matatawag mo na din ako na leecher... Kasi wala akong masyadong ma-share sa community. Pero, I do my best naman kapag tulungan na sa love life. I sometimes relate myself, Ahaha! Trying hard minsan.
Pero kahit na medyo leecher ako, I do my best to contribute. Konti pa lang nacocontribute ko! Siguro mga 2 jokes lang ata yun... T__T... Pero tama na tungkol sa akin; on symbianize naman! ^^!
SYMBIANIZE AT A GLANCE!!
Sa unang pagpasok mo sa site ng Symbianize ay pupukaw sa iyong paningin ang kulay asul na header ng site. Makikita rito ang makulay na logo ng symbianize, ngunit talagang nakakaagaw ng pansin ang FORUM GUIDELINES kung saan ating matatanaw ang mga "rules and regulations". Makikita rin dito ang register button kung saan lahat ng tao ay maaring mag-register. Madali at libre lang ang pag-register. At, hinding hindi nyo ito pagsisisihan.
Ang susunod na inyong makikita ay ang mga MAIN FORUM TITLE. Ito ay yung mga salita na nasa blue na mini header. Ang mga main forum ay ang...
SYMBIANIZE MANAGEMENT - dito mo maaalam ang mga bagay-bagay tungkol sa symbianize. Everything you need to know mula rules to new members ay nandito rin. Mayroon itong apat na sub-forums na maari mong i-browse.
MOBILE HARDWARE ZONE - dito mo maaring i-discuss ang mga bagay bagay tungkol sa mobile phones. Maraming symbianizers ang mobile experts! Kaya kung kailangan mo ng tulong tungkol sa mobile phones ay laging handa ang community para tumulong. Dito ka rin pwdeng makipagdaldalan tungkol sa mga latest sa cellphone technology tulad ng iPhone at marami pang iba.
MOBILE SOFTWARE ZONE - dito naman matatagpuan ang mga samu't-saring mga software para sa mga cellphone nyo. Nakakaligaya ito, lalo na kung ikaw ay isang cellphone addict. Mga applications, themes, at games ay matatagpuan dito para sa iba't ibang klase ng cellphone brands tulad ng samsung, sony ericsson, motorola, at nokia! Maari ka ring makipagdaldalan dito, kahit anung related sa cellphone software ay pwde, mula sa mobile OS na Symbian hanggang sa mga mobile games. Mayroon din itong 4 na sub-forums.
MEDIA ZONE - ang main forum na ito ay para sa mga graphics and video inclined people, o dun sa mga taong gusto lang manuod ng videos. Dito ay mapaguusapan ang mga iba't ibang pabagy related to videos, music, graphics, at e-books. Kung ikaw ay tulad ko at nangangarap na matuto ng graphic editing, magiging at home ka dito.
COMPUTER ZONE - dito naman magiging at home ang maraming computer addicts dito. This forum offers many softwares, from games to anti-viruses. Maari ring pagusapan dito ang mga bagong technological advances tulad ng mga pocket pc, ipod, psp, laptops, keyboards na laser, at many more! Dito ka rin matuto ng mga bagay tungkol sa iba't ibang computer related technical terms. Alam mo bang pwede ka rin matutong gumawa ng viruses, mabuksan ang private photos ng ibang friendster members, at magpayaman through your blog? Well, dito mo matututunan yun.
SYMBIANIZE LOUNGE - dito ka mamomost feel at home. May iba't ibang sub-forums dito para sa iba't-ibang hobbies mo. Fron jokes to automobiles to culture and religious talk! Dito ka rin pwede magpahelp sa love life. Marami kami sa community na maaring tumulong! May mga forum games rin dito na masayang pampalipas oras!
AT! MAY SECRET FORUM. Di ko sasabihin... SECRET nga diba. Ahaha! Please bear in mind na di mo maa-access lahat ng forums na yan kung isa kang non-member. ^^
Ito ang symbianize chatbox! Dito tayong lahat ay pwedeng mag kwentuhan, LIVE!!! Hehe, di tulad ng ibang chatbox dyan, ang chatbox ng symbianize ay powered by AJAX technology. Ibig sabihin, di mo na kailangang i-refresh ang pag para makita ang mga bagong sulat. O diba! Bongga!
Maari kang gumamit ng smileys, palitan ang font, font color, at etc. Para ka na ring nagYM!
P.S. Sa mga na screenshot ko na nagchchat... O.o.. SORRY PO!!!! Y__T..
Okay, so na tour na kita sa pinaka-outline ng symbianize! Ikukuwento ko naman ang iba pang informasyon!
Sa symbianize ay may ranking system, depende sa kung gaano na karami ang posts at contibutions mo. Ako ay Lvl1 professional pa lamang(sabi ko nga knina, isa akong dakilang leecher lamang... T__T). Marami ring pwedeng gwin!! Ang symbianize ay may ARCADE! Yes, kung tinatamad ka nang matuto ng maraming bagay mula sa forum, ay maari kang magrelax (o mainis) sa ARCADE! Challenging at nakakalibang ang maraming games dito.
Meron ring groups sa symbianize! Currently, may 4 na groups, ang Blitzers, Spectra, Xtremers, at AZ. Depende sa kung anu ang hilig mo, maari kang sumali sa mga group na ito. Ang iba nga lang dito ay kailangan ng confirmation sa respective Group Leaders.
Ang Symbianize ay isang online FILIPINO COMMUNITY. Di lang ito isang forum, isa itong community na kung saan lahat ay nagkakasama-sama. Lahat welcome. Lalo na kung Pinoy ka. Marami nang members sa community namin, so kahit nasa ibang bansa ka ay feel at home ka dito! Up to date ka sa mga bali-balitang Pinoy.
P.S. Masaya ako kasi birthday ko nung pinakamaraming members online!! Weeeeeeee!!! (<---adik)
As you can see sa screenie, VERY ACTIVE ang community namin. Oh diba! Malay mo kapitbahay mo pala yung kausap mo. Ahaha!
So, as you can see sa aking mga paglalahad, ang Symbianize is not simply just an internet forum site kung saan pwede kang magdownload ng kung anu-ano, matuto ng kung anu-ano, at makakita ng kung anu-ano; ang symbianize is a community. Symbianize is like Philippines in the internet, kung saan makakausap mo ang iyong kababayan. Ang lahat ng members ng symbianize ay parang isang pamilya! Kung saan, tulong-tulong, kahit anu pa man ang problema. Siguradong sigurado ako, kung Pinoy ka, mafefeel at home ka dito. Marami kang makikilala, makakausap, makakasama, at makasisiguro kang may tutulong sayo. Lalo na kung agaw pansin ang Thread title mo... Ahehe!
Symbianize is like my internet home. Kasi yung isa kong home is Cabal (game home). But that's another story. Tuwing gabi, i always make it a point na magOL ako sa symbianize. Ang rami ko kasi natututunan. Not only that, alam ko na always may tutulong sakin dito. Minsan, dito ko nilalabas yung mga problema ko, hoping na may makatutulong sakin. And not once na walang tumulong sa akin. Di man na solve ang lahat ng problems ko, at least may nagtry. Di ba?
Basta, Symbianize is my online Home.
Kaya, kung ako sa inyo na di pa nagpapamember, magpamember na kayo! I assure everybody, di kayo magsisisi. Sa mga information pa lang na mababasa nyo ay matututo na kayo! Pati mga kabalastugan ay merun dito.
Kaya, kung ready ka na magpamember... CLICK ME!!
P.S. Maari nyo akong batukan ng BONGGANG BONGGA kapag nagsisi kayo. Ahehe! Ganyan ako ka sure.
So? anu pa hinihintay nyo! Be apart of our community. Nakakaexcite!! XD!! See you na lang sa symbianize. ^-^!! |
|
RuanneChi ♥ 7:27 PM |
|
0
So Touched!!! I &hearts this book! XD |
Wednesday, September 24, 2008 |
|
Ngayong buwan na ito ay natupad na ang aking pangarap! Weee!
Weee! May bago na akong Sa wakas! Natupad na din ang pangarap ko!! Nyahahahaahaha!
Ako muna ay magyayabang maglalahad ng specs ng aking pinakamamahal na laptop...
OS: Windows Vista Home Premium Model: HP Pavilion dv6700 notebook PC, Entertainment PC Processor: Intel(R) Core(TM)2 Duo CPU T5450 @1.66 GHz 1.67GHz Memory(RAM): 1999 MB or 2 GB System Type: 32-bit OS Storage: 120 GB DVD-RW Drive
Di man masyadong powerful PC ko, mahal ko pa rin to!! Nyahahaha! Iiyak ako ng sangkatutak pag nasira to.. T__T!!
Nyways, may bago akong aklat na nabili sa bookstore nung linggo!! XD
Oer, bago ko sabihin sa inyo ang napakagandang aklat na aking nabasa ngayong linggo, kukuwento ko muna ang mga pangyayari noong araw ng linggo! Ika-21 ng Setyembre, 2008! Hmm, nung araw na iyon ay naisipan ng aking ina na magsayang nang pera at pumunta sa Mall of Asia. Ayaw ko sanang sumama ngunit napasama ako dahil sabi niya WiFi area DAW ang MOA. Paki-confirm lang po! Totoo ba?? O.o
Nyways, dahil akala ko makakapag-internet ako dun gamit ang laptop ko ay sumama na din ako. Sobrang unbalanced nung feeling ko nung araw na iyon! Aba Aba! Ako na ata ang may pinakamalaking bag sa mall na iyoN! Akala ata ng mga guard na bomba kasi tuwing papasok ako ay lahat ng pockets ng laptop bag ko ay hinalukay!!! Nakita tuloy ang napakamahal kong pabango na JOHNSONS BABY COLOGNE.(Mahal yun.. P40 na yun nuh!! Sa panahon ngayon makakapakain na ko ng 1 pamilya nun via sardinas at NFA rice..) So, ngayon, nag-inarte nanaman ang kapatid kong si weweng at nagpabili ng dollhouse worth P999.75. Eh... mukhang good mood nanay ko kaya yun! Binili nya. At dahil unfair ay pinamahagian nya din kami ni Osne ng tig-isang libo. $_$!!!!
Ang naisipan kong puntahan ay ang bookstore!! At kahit na alam kong maraming e-book dyan na version ay iba na rin yung merun kang kopya na pwdeng basahin kahit walang kuryente! At ang binili ko ay...
!!
Gusto ko tlga basahin yun eh, kya lang minsan ay hanggang titig na lang ako dahil wala akong pera.. T__T! At kahit na may e-book version, d ko binasa dahil nakakasakit yung nakatitig lang sa monitor buong araw.
At ngayon ay natapos ko na!! OMG!!! ANG GANDA!! XD!!
Ito ay storya ng isang lalaking nararamdaman na hindi na siya mahal nang kanyang asawa, at kasalanan nya ito. Kaya gumawa siya ng paraan! XD!!
ito ang actual summary...
After thirty years of marriage, Wilson Lewis, son-in-law of Allie and Noah Calhoun (of The Notebook), is forced to admit that the romance has gone out of his marriage. Desperate to win back his wife, Jane's, heart, he must figure out how to make her fall in love with him... again.
Despite the shining example of Allie and Noah's marriage, Wilson is himself a man unable to easily express his emotions. A successful estate attorney, he has provided well for his family, but now, with his daughter's upcoming wedding, he is forced to face the fact that he and Jane have grown apart and he wonders if she even loves him anymore. Wilson is sure of one thing--his love for his wife has only deepened and intensified over the years. Now, with the memories of his in-laws' magnificent fifty-year love affair as his guide, Wilson struggles to find his way back into the heart of the woman he adores.
O diba! Para sa mga romantics at heart at mahilig sa love stories, I highly recommend this book! ^^! Nakakapagpaligaya talaga!
At kung barat ka talaga at walang pera, ngunit gusto talaga ng librong ito, maari mo itong i-download sa symbianize as a member! i really love this site kasi like, I can interact with other people and it has every information that I need in relation to my hobbies. Masaya din kasi we're like a PINOY community. Parang ONE BIG HAPPY FAMILY! Tutulungan ka nila mula assignments to love life. Hehe! Adik na talaga ako sa site na to... O.o.. REMEMBER! Pa member ka muna and try to ba a part of the community. ^^! Some parts of the sites are locked or cannot be seen kung di ka member.
Anyways, yan muna ang aking maikukuwento ngayon! Inaantok na ko eh.... O.o... hehe!
Nytnyt! ^^ |
|
RuanneChi ♥ 10:44 PM |
|
0
|
|
|
|